Thursday, December 15, 2011

comic relief

some queries i encountered from the clients:

client: engr. ano nga ba ang tawag sa device na nilalagay nyo sa door namin tas automatic na nagsasara ang pintuan?
me: mmm...door closer? :)
*****

(phone call)
client: sir may problema kami sa ilaw na ininstol nyo sa big meeting room...
(she's referring to the recessed ceiling lighting)
me: ano po nangyari maam?
client: kasi po natapat sya sa screen ng projector, pag ini-switch ang lights sa front kasama sya na umiilaw, nakasilaw po e. gagamitin namin ngayon ang screen. ano gagawin ko?
me: ah, maam...pa tanggal nyo na lang po ang bulb.
client: ay, onga pala. pwede pala yun. thanks po.
*****

(prior to the commissioning of the press machine)
client: engr. yung press machine po ayaw pa umandar.
me: sir, naka-off pa po ang breaker.

*****
client: engr. bat sa quotation nyo 52 square meters ang QA room? pinasukat ko sa tao namin kahapon 29 lang. paki revise po quotation nyo.
me: check ko lang po sa plano, maam.
(after figuring out)
me: maam 29 meters po ba o square meters sabi sabi ng tao nyo?
client: walang sinabi basta pinasukat ko 29 lang po.
me: 6.5m x 8m po kasi ang sukat ng room maam, kaya yung 29 na sinasabi po ng tao nyo ay permimeter po yon.
client: pano naging 29 ang 6.5 x 8m, sir?
me: (exasperated) sum total po ng lahat ng sides, bale po 6.5 + 8 = 14.5 x 2 dahil may apat po na sides ang rectangular room.
client: ah, ganun ba? e ano yung sinasabi nyong 52 sqm?
me: area po maam yung pinaguusapan natin sa quotation. 6.5m x 8m .
client: ah, ganun po ba? sige po explain ko na lang sa boss ko.
me: (hayz...)
*****

client: sir, nabangga po ng forklift namin ang drywall na ginawa nyo sa moulding area, paki palitan po.
me: malaki po ba sir ang damage?
client: mga 4inches po pabilog, malapit sa baseboard.
me: maliit lang pala, sir, kaya yan ng...
client: (mejo naiirita) sir, ang pangit kita ang butas sa hallway, paki-palitan nyo po ng panel.
me: (mejo pikon na din) sir, since kayo po ang naka-damaged nyan, pag-pinalitan namin yan ng boong isang panel, additional charge sa inyo.
client: (mejo napikon na rin) ano ibig nyong sabihin sir hayaan na lang natin na ganyan???
me: sir, pwede patapusin nyo muna akng mga explain???
(silence)
me: sir, yung sinasabi ko po since maliit lang naman ang butas kaya po yan masilyahan tas paint finish. libre na po yan. pero kung buong panel papalitan nyo, magbabayad kayo. mamili kayo...
client: ah...sige po...mansanilya na lang...
me: masilya po.
client: semilya, ok, ok...
(hahaha)
after the work...
client: sir, parang walang nangyari ah...
me: charge ko na lang po kayo sa labor (joke hehe)
*****

client: sir, yung aircon namin ayaw lumamig mula kahapon ng hapon.
me: (checking the settings) naka-fan lang po kasi kayo maam.
*****

good thing these stuffs don't happen everyday. and not all our clients are mga ewan naman. hehehe.

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.